Plano ng Department of Transportation (DOTr) na maglagay ng 100 white beep cards kada araw sa lahat ng mga train stations sa bansa para magamit ng mga estudyante, senior citizens at persons with disability (PWD).
Layon nito ay para maging maganda ang proseso para sa mga aplikante.
Lahat aniya ng mga nais na makakuha ng puting Beep Cards ay dapat pumila sa mga train stations kung saan ipapatupad ang “First come-first served” basis.
Kapag naubusan na ay maaring ipalipat ang mga nais kumuha sa ibang station at isasakay sila ng libre patungo doon para makakuha ng cards.
Ang nasabing beep cards ay naka-program na para magbigay ng 50 percent na diskuwento kung saan naka-imprinta ang pangalan ng mananakay basta magbigay sila ng mga dokumento na nagpapatunay na sila ay estudyante, PWD o senior citizens.