CAUAYAN CITY – Aabot sa halos 30,000 trabaho ang asahan sa bansa sa Labor Day.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa May 1, 2021 ay mayroon silang job fair at ngayon pa lamang ay mayroon ng 28,000 na job opening.

Aniya, maari pa itong madagdagan hanggang sa Labor day kaya posibleng umabot sa 30,000.

Sakop ito ng 585 na kumpanya at karamihan sa mga trabahong ito ay manufacturing, retail, business process outsourcing at construction.

Hinikayat niya ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang pagkakataong ito lalo na ngayon at nahaharap pa rin ang bansa sa pandemya.