Umakyat na sa halos 300 micro rice retailers at sari-sari store owners ang nakatanggap na ng P15,000 na financial assistance ng gobyerno, matapos magpatupad ng price cap.
Ito’y sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang tulong sa mga apektadong maliliit na negosyante.
Sa naturang patakaran kasi ay hindi sila maaaring pagpatupad ng pagtaas sa halaga ng panindang bigas, kahit nabili pa nila ito sa mahal na presyo.
Kabilang ang mga nabigyan sa batch 1 at 2 kung saan nasa 156 ang sari-sari store owners ang tumanggap ng financial aid.
Sinasabing ang mga tumalima lamang sa Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos ang mga nabigyan ng ayuda na ginagamit na nila ngayon pampuhunan sa kanilang negosyo.
Habang ang ibang hindi nakatanggap ay maaari namang umapela sa DSWD sa kanilang lugar.