-- Advertisements --

Umaabot nasa halos 300 o kabuuang 291 ang bilang ng mga indibidwal na nagtamo ng injuries dahil sa paputok sa nagdaang holiday season base sa datos noong December 21, 2022 hanggang January 5, 2023.

Ito ay matapos na madagdagan pa ng 14 na kaso ng fireworks-related injuries na naitala ng sentinel hospitals matapos ang pagsalubong ng bagong taon.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay mas mataas ng 55% kumpara sa 188 cases na naitala sa kaparehong period noong nakalipas na taon.

Sa mga naitalang injuries, nasa 290 dito ay dahil sa paputok habang isang indibdiwal naman ang nagtamo ng injury dahil sa ligaw na bala.

Ang Western Visayas ang nakapagtala ng 33 fireworks-related injuries, 29 sa ilocos region, 24 sa Central Luzon,15 sa Calabarzon, 13 sa bicol region at 10 sa Cagayan valley.

Habang walong kaso sa Central Visayas, 7 mula sa Soccsksargen, tig-4 mula sa Mimaropa at Cordillera Administrative Region (CAR), 3 mula sa Northern Mindanao, 2 mula sa Davao Region, at tig-isa mula sa Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Region.

Sa mga biktima, nasa 105 ang nagtamo ng injuries sa kamay, 80 indibidwal nagtamoo ng injury sa mata. 39 sa ulo, 37 sa binti at 33 sa braso.

Mayroon namang 18 ang nagtamo ng burn injuries na kinailangan ng amputation habang sa kabutihang palad naman ay walang naitalang nasawi dahil sa paputok.

Pangunahing fireworks na dahilan ng nasabing mga injury ay kwitis, boga, 5 star at fountain.