-- Advertisements --

Pinakawalan ng mga armadong suspek sa Nigeria ang nasa 300 na mag-aaral na kanilang dinukot.

Ayon kay Kaduna state governor Uba Sani na hindi sinaktan ang mga bata at ligtas silang pinakawalan.

Pinasalamatan din nito si Nigerian President Bola Tinubu dahl sa pakikipag-usap sa mga rebeldeng grupo para mapakawalan na ang mga bihag.

Magugunitang dinukot ang mahigit 300 na mag-aaral ng mga armadong suspek noong Marso 7 sa Secondary School sa Kuriga village.

Ilang mga mag-aaral ang nailigtas subalit ang 287 na iba ay nananatili sa kamay ng mga dumukot kung saan 100 sa mga dito ay nasa primary school habang ang iba ay nasa secondary school na.