May kabuuang 27 overseas Filipino worker (OFWs) ang nakatakdang i-repatriate mula sa Cambodia kung saan sila nalinlang sa pagtatrabaho para sa ilegal na online financial at phishing operations.
Sinabi ng DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac na ang isang team mula sa departamento ay ipinadala na sa Cambodia para sa proseso ng repatriation, at idinagdag na ang koponan na pinamumunuan ni Assistant Secretary Francis Ron de Guzman ay umalis noong Lunes, Oktubre 9.
Ayon kay Cacdad, ang nasabing team ay magbibigay ng legal at financial assistance gayundin ng psychological first aid sa mga nailigtas na OFWs.
Batay sa ulat na natanggap ng DMW, ang mga biktima ay pumasok sa Cambodia bilang mga turista noong Enero ng taong kasalukuyan.
Ipinaalam sa kanila na magtatrabaho sila bilang mga kinatawan ng tech support ngunit napilitang magtrabaho sa isang online scamming facility.
Dagdag dito, nailigtas sila sa tulong ng Cambodian National Police (CNP) noong Martes, 26 Setyembre 2023.
Naharang ng CNP ang convoy na maghahatid sa kanila mula sa O’Smach District patungo sa isa pang online scamming facility sa coastal city ng Sihanoukville ,” ani Cacdac.
Ang DMW at Phnom Penh ay nakikipagtulungan sa Cambodia’s Ministry of Social Affairs, Veterans, and Youth Rehabilitation sa pagproseso ng mga kaso ng 27 biktima para sa kanilang pagpapauwi sa Pilipinas.