-- Advertisements --

BAGUIO CITY–Ikinababahala ngayon ng Department of Health (DOH)- Cordillera ang patuloy na pagtaas nga sakit na diphtheria sa rehion.

Base sa naitalang kaso ng ahensia, tumaas ang kaso ng diphtheria sa rehiyon ngayong taon kung saan pumalo na sa 29 ang kasong naitla at may dalawa nang namatay dahil sa naturang sakit.

Ayon kay Dr. Jeniffer Joyce Pira, Medical Officer IV ng DOH Center for Health sa rehion, isa sa malaking problema ng pagkakaroon ng naturang sakit ay ang hindi mabisang hygiene.

Isa pang dahilang natanto ng DOH-Cordillera sa paglaganap ng sakit ay ang hindi pagpapabakuna ng mga residente sa kani-kanilang anak kontra sa diphtheria.

Ipinaliwanag din ni Pira na isang malaking hamon sa kanila ang patuloy na pagtaas nga kaso ng diptheria dahil nakukumpromiso ang kalusugan ng mga residente.

Samantala , patuloy pa rin ang pangbabantay ng DOH-Cordillera sa kaso ng tigdas buong rehion matapos tumaas ng 403 percent mula Enero hanggang Nobiembre ng kasalukuyang taon na may 1,028 na kaso kung ikumoara sa 204 na kaso noong 2018.