-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ni Cagayan de Oro City Epidemiologist Dr. Joselito Retuya na umabot sa 28 inmates o persons deprived with liberty ang nagpositibo sa kanilang swab test.
Mula sa iba’t ibang police station minicell ang mga preso bago ito na-transport sa Lumbia City Jail ng Barangay Lumbia nitong syudad.
Aniya, dahil sa bagong mga kaso, halos triple ang trabaho ng kanilang contact tracers sa mga na-exposed na bilanggo.
Napag-alaman ng mga eksperto na sa mismong holding area Bureau of Jail Management and Penology nakuha ang kontaminasyon kung saan inamin ng mga preso na nagkahawaan na sila sa loob ng pasilidad.
Sa ngayon, nasa 3-storey temporary treatment and monitoring facility ng BJMP inilagay ang mga nagkasakit na preso.