-- Advertisements --
ILOILO CITY- Umaabot na sa higit 2,800 na mga preso o persons deprived of liberty (PDL) ang nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Jairus Anthony Dogelio, spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology Region 6, sinabi nito na sa nasabing bilang 1, 307 na ang nakatanggap ng 1st dose.
Nasa 1, 558 naman ang nakatanggap ng single dose na Janssen vaccine.
Ayon kay Dogelio, inuuna nila na mabakunahan ang mga senior citizens at may comorbidities.