-- Advertisements --
image 320

Naibigay na sa mga magsasaka sa bansa ang halos dalawang milyong certified rice seeds, kasama na ang mag El Nino resilient seeds.

Ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program ng pamahalaan.

Ayon sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice), ang mga ipinamigay na mga binhi ay maaari nang anihin bago pa man ang malawakang epekto ng El Nino na inaasahang magsisimulang maramdaman sa Setyembre o Oktubre.

Maliban dito, malaki din umano ang potensyal ng mga nasabing binhi upang malabanan ang ilang mga peste sa mga palayan, katulad ng mga green at brown plant hoppers at stem borers na kayang sirain ang mga palayan sa anumang panahon.

Ang mga nasabing uri ng binhi ay bahagi umano ng inirerekomenda ng El Nino Task Force na gamitin ng mga magsasaka sa bansa, dahil sa mabilis anihin ang mga ito.

Samantala, patuloy ding hinihikayat ang mga magsasaka sa bansa na ugaliin ang pagtitipid ng tubig, lalo na at inaasahang magtatagal ang epekto ng El Nino sa bansa.