-- Advertisements --

Umaabot sa kabuuang 1,948 ruta sa buong Pilipinas ang walang nag-consolidate na jeepney at UV Express units, ilang araw bago magsimula ang paghuli sa mga hindi nag-consolidate na PUVs simula sa Pebrero 1.

Base sa datos mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa nasabing ruta nasa 1,767 na ruta para sa jeepney ang walang nakapag-conolidate at 181 naman sa mga ruta para sa UV express.

Pinakamarami sa mga ruta na walang nag-consolidate na dyip ay sa Bicol region na nasa 451, mas mataas kumpara sa mga nag-consolidate sa 214 ruta.

Sunod ang Ilocos at Mimaropa na may mataas na bilang ng mga apektadong ruta na walang nakapag-consolidate na jeepneys.

Sa national Capital Region, nasa 320 ruta ang walang consoidated jeepneys subalit nasa 555 ang nakapag-consolidate.

Samantala sa UV express naman, pinakamataas ang NCR na walang nagconsolidate na nasa 76 sinundan ng Eastern Visayas na nasa 21 ruta at Ilocos na nasa 15 ruta.