My kabuuang 279 Muslim pilgrim sa Mecca ang na-stranded sa isang paliparan sa Saudi Arabia dahil sa pagkansela ng isang Manila flight ayon sa National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).
Sa isang pahayag, sinabi ng komisyon na uuwi sana ang 279 Filipino pilgrims pagkatapos ng Hajj sa Mecca ngunit nakansela ang nasabing flight dahil sa mga technical issues.
Idinagdag nito na ang mga apektadong Filipino pilgrims ay ang mga nasa ilalim nina Sheikh Samsonahar Dibagelen, Salindatu Abdillah, Mokalid Kasib, Ibrahim Andang, Moctar Alangan at Ahmad Ampuan.
Sinabi ng National Commission on Muslim Filipinos na nakikipag-ugnayan din ito sa mga kinauukulang Sheikh upang subaybayan ang katayuan ng mga peregrino at matiyak na maibibigay ang napapanahong tulong.
Ang Hajj ay isang taunang piligrimate sa Kaaba, sa Mecca sa Saudi Arabia.
Ito ay isa sa Five Pillars of Islam, kung saan obligado ang isang Muslim na isagawa ito sa kanilang buhay.