-- Advertisements --

evac

Sumampa na sa 22,794 katao o nasa kabuuang 6,731 pamilya ang inilikas sa probinsiya ng Cagayan dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng hagupit ni Bagyong Neneng.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cagayan PDRRMO Chief, Mr. Ruelie Rapsing nasa 17 mga municipalities mula 86 na mga barangays ang apektado ng pagbaha.

Ang mga bayan na lubog ngayon sa tubig baha ay ang Ballesteros, Lal-lo, Camalaniugan, Aparri, Buguey, Santa Ana, Lasam, Baggao, Santa Teresita, Gattaran, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Gonzaga, Abulug, Allacapan at Calayan.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig patuloy ang ginagawang force evacuation ng mga otoridad.

Sinabi ni Rapsing may mga tulay at mga daan ang hindi pa rin passable hanggang sa ngayon partikular sa bayan ng Rizal, Sta Teresita, Baggao, Buguey, Santa Ana, Claveria at Allacapan.

Ayon kay Rapsing walang naitalang casualties matapos manalasa ang Bagong Neneng pwera na lamang sa isang 34-anyos na lalaki na sumemplang habang nakasakay sa bisikleta na nagtamo ng sugat sa mukha at katawan nito bunsod sa aksidente dahil sa madulas na daan.

Siniguro din ni Rapsing na sapat ang mga pagkain na ipinamamahagi ng LGUs sa mga evacuees.

Sa ngayon ongoing na rin ang isinasagawang damage assessment ng PDRRMO sa pinsala na iniwan ng bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastraktura.