-- Advertisements --
image 336

Sa loob ng isang taong panunungkulan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, umabot na sa 196,539 households ang naalis mula sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Maalalang sa unang SONA ni Pang. Marcos ay nagbigay siya ng direktibang linisin ang listahan, upang mapupunta lamang sa mga kwalipikadong pamilya ang tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng 4Ps.

Batay sa talaan ng DSWD, nasa 1.3 million household na ang isinailalim sa validation simula noon.

Kabilang sa mga dahilan ng pagkakatanggal ng halos 200,000 na miyembro nito ay ang paglabag sa polisiyang sinusunod sa ilalim ng 4Ps, habang ang iba ay kusang umalis, at ang ibang mga miyembro naman au nagtapos na sa nasabing programa.

Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang assessment ng nasabing kagawaran upang matiyak na tanging ang mga nararapat na benepisyaryo lamang ang makikinabang nito.

Sa likod ng nito ay tiniyak naman ng ahensiya na hindi nila papabayaan ang mga nagsisipagtapos, kasama na ang mga pamilyang natutukoy na hindi na nangangailangan ng tulong ng 4Ps.

Sa halip ay inaalalayan pa rin umano ng mga social workers ang mga ito, upang maayos ang magiging transisyon.