-- Advertisements --
image 594

Nananatili pa ring suspendido ang pasok sa mga paaralan sa halos 200 na munisipalidad at syudad sa buong bansa, dahil sa malalakas na pag-ulan.

As of Aug 31, suspendido ang pasok sa elementarya at sekondarya, sa kabuuang 186 mga munisipalidad sa Region2, Region3, Region6, Calabarzon, Mimaropa, at CAR.

Ang mga nasabing munisipalidad ay nakapagtala ng mahaba-habang pag-ulan.

Maliban sa pasok sa eskwelahan, sinuspinde rin ang trabaho sa 50 syudad at munisipalidad mula sa Region 2, Region 6, at CAR.

Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction Management Council, nananatiling hindi madaanan ang hanggang 31 na kalsada at tulay mula sa Region2, 3, 5, 4-A, 4-B, at CAR.

Nakansela naman ang hanggang 76 na biyahe mula sa Region2, 6, 4A, at 4B dahil pa rin sa sama ng panahon.