LAOAG CITY – Umaabot sa 20 Vietnamese fishing vessel ang namataan umano sa dagat na sakop ng Barangay Davila sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Ito ang kinumpirma mismo ni Barangay Chairman Elviro Agoo sa nasabing barangay.

Dahil dito, naalarma ang mga mangingisda roon dahil lumiliit na raw ang bilang ng mga nakukuha nilang isda.

Ayon sa kapitan, tatlong araw na nilang namomonitor ang mga fishing vessel sa kanilang lugar at naipaalam na rin nila ito coast guard at local government sa bayan ng Pasuquin.