-- Advertisements --

Naaresto ang 18 katao sa Sampaloc, Manila dahil sa paglabag ng mga ito sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ilan sa mga ito ay nahuling nag-iinuman at nagbibilyar.

Naaresto ang mga ito sa Barangay 423 Zone 23 at Barangay 436 Zone 44.

Lumalabas na Ilang residente raw ang nagsumbong sa pulis tungkol sa mga nagbibilyar at nag-iinuman.

Bagamat walang liquor ban, naaktuhan daw ang ibang indibidwal na nag-iinuman sa pampublikong lugar na ipinagbabawal dahil sa MECQ.