-- Advertisements --

Nakahanda na ang Philippine Ports Authority (PPA) sa pagdagsa ng mga babiyahe sa mga pantalan ngayong Semana Santa.

Ayon kay Eunice Samonte, tagapagsalita ng PPA, na inaasahan nilang mas mataas ang bilang ngayong taon na babiyahe kumpara noong nakaraang taon.

Noong nakaraang taon kasi ay nasa 1.8 milyon ang naitalang bumiyahe sa pantalan kaya ngayon inaasahan na mahigit dalawang milyon.

Naglabas na rin sila ng kautusan ang PPA sa pagpapaigting ng kanilang manpower sa dalawang port management office nito.

May nakaantabay na rin na mga kapulisan para magbantay sa seguridad sa lugar.