-- Advertisements --
Halos 2,000 na mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) drivers ang nakatanggap ng fuel subsidy sa Quezon City.
Ayon sa local government unit (LGU), kabilang sa pinakahuling nakatanggap ng fleet card ang nasa sa 1,995 TODA drivers and operators mula sa District 2.
Nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng Quezon City government ng fuel subsidy voucher para sa mga tricycle driver na pumapasada sa lungsod.
Layon nito ay maalalayan ang mga drivers na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ang naturang ayuda ay bahagi ng naipasang ordinansa ng Sangguniang Panlungsod patungkol sa pagbibigay ng fuel subsidy sa TODA drivers.










