-- Advertisements --
image 54

Inaasahang makikinabang ang nasa halos 1 million guro mula sa pampublikong paaralan mula sa inilaang panukalang pondo para sa 2024 sa ilalim ng Programs, Activities, Projects (PAPs) ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa DBM, nasa P38.63 billion ang inilaan mula sa panukalang P5.768 trillion na panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Sa naturang halaga, nasa P2.16 billion ang inilaan para sa training program para mapabilis at masuportahan ang professional at career advancement ng mga personnel sa paaralan at learning centers gayundin sa mga teaching personnel na nagsilbing manager, supervisor at sa administrative positions sa Schools Division Offices, Regional Offices at Central office.

Samantala, nasa kabuuang P26.10 billion naman ang inilaan para pondohan ang bagong school personnel postions kabilang ang P5.47 billion para sa paglikha ng 20,000 teaching positions at P20.63 billion para mapunan ang 37,813 bakanteng teaching positions.

Dagdag pa ng DBM, mayroon ding alokasyon sa ilalim ng Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) para sa paglikha ng 5,000 non-teaching positions bilang suporta sa Matatag agenda ng DepEd para makapagbigay ng sapat na manpower support sa mga guro.

Mayroon ding alokasyon na P4.83 billion para sa cash allowances ng mga guro.

Ilan pa sa mga programang pinaglaanan ng pondo ay ang Alternative Learning System (ALS)-Transportation and Teaching Aid Allowance, Special Hardship Allowance (SHA), World Teacher’s Day Incentive at Honoraria para sa mga guro na nagtuturo ng lagpas pa sa 6 oras kada araw.