Kinumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 989 units ng mga non-compliant vaporized nicotine and non-nicotine products mula sa ibat ibang store sa Metro Manila.
Ang nasabing operasyon ay sa pamamagitan ng isinagawang inspection ng dalawang ahensiya sa labingapat na vape stores.
Ang nasabing mga unit ay tinatayang nagkakahalaga ng kabuuang P344,520.00
Kabilang sa mga violation ng mga nabanggit na vape store ay ang mga sumusunod: walang nakapaskil na signage para sa edad ng mga papayagang makabili, pagbebenta ng mga vape products na nakaka-enganyo sa mga minors, at hindi akmang packaging.
Ang ibang mga vape stores ay natukoy din na masyadong malapit sa mga playground at iba pang entertainment facilities na malibit bisitahin ng mga bata.
Ipinagbabawal kasi ng batas ang pagbebenta ng mga vape at tobacco products sa loob ng 100 meters malapit sa mga nabanggit na lugar.
samantala, simula nag-umpisa ang taong kasalukuyan, nakapagbisita na ang DTI ng kabuuang 621 physical vape stores sa buong bansa. sa nasbaing bilang 249 ang kanilang natukoy na compliant habang 229 ang naisyuhan ng Show Cause Order at Notice of Violation.
Ang iba pang nalalabi ay ipinasara, habang ang iba naman ay tumigil na sa pagbebenta ng vapes.
Sa kabuuan, nasa 1,503 vape units na ang nakumpiska ng ahensiya na may kabuuang halaga na P4,555,353.00
Patuloy naman ang babala ng dalawang ahensiya sa mga vape store owners na sumunod sa mga ipinapatupad na batas ukol sa pagbebenta ng mga nasabing produkto upang hindi kumpiskahin ang mga ito, oras na may isasagawang inspection ang mga otoridad.