-- Advertisements --
Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 16,907 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Mayroon ding 27,120 na gumaling at wala namang nadagdag sa record ng mga nasawi.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.7% (165,092) ang aktibong kaso, 91.8% (2,267,678) na ang gumaling, at 1.51% (37,405) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 23, 2021 habang mayroong apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na iyon ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.