
Nasa halos 17,000 piraso ng N95 facemask ang ipinamahagi ng Office of the Civil Defense sa lalawigan ng Batangas.
Ito ay sa harap ng mga naitatalang bilang ng mga indibidwal na nakakaranas ng mga karamdaman nang dahil sa volcanic smog mula sa Bulkang Taal.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal, kasunod ito ng naging pagpupulong pamahalaang panlalawigan ng Batangas at OCD Calabarzon para sa pagtugon sa epektong idinulot ng vog sa mga residente ng nasabing lalawigan.
Samantala, sa ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, at wala pa ring inaasahang major eruption dito.
Ngunit gayunpaman ay patuloy ang abiso ng mga kinauukulan sa publiko na palagiang pag-iingat lalo na’t posibleng makaapekto sa kalusugan ang pagkakalanghap ng volcanic smog mula sa Bulkang Taal.










