Chile mall

BAGUIO CITY – Inaasahan na magbubukas ang halos 160 na shopping malls at mga parke sa Chile sa susunod na linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Elnora Nabua, overseas Filipino workers (OFWs) sa Chile sinabi na hindi masyadong mahigpit ang mga patakaran nila hinggil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dagdag niya na wala silang curfew hour at hindi rin nabukas ang mga establisiyemento maliban lang sa pharmacy, supermarkets at mga bangko.

Sinabi ni Banua na karamihan na OFW’s doon ay nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng covid.

Ipinaliwanag niya na mabibigyan ang mga OFWs na nawalan ng trabaho ng pension plan hanggat may napirmahan silang kontrata sa kanilang employers nila.

Sa ngayon, aktibo naman ang Filipino community sa Chile sa pagbibigay ng kanilang tulong sa mga OFW na nawalan ng trabaho.