
Nasa 149,963 community quarantine violators ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng dalawang linggong implementasyon ng Enhanced Community Quarantine mula nuong August 6 hanggang August 21,2021.
Batay sa datos na isinumite ng PNP Joint Task Force Covid Shield kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, batay sa nasabing bilang, 98,971 dito ang binalaan, 43,328 pinagmulta, 7,664 sumailalim sa Community Service sa Metro Manila.
Ayon kay PNP Chief na dito sa Metro Manila, nasa 100,946 violators ang pinatawan ng parusa ng JTF Covid Shield dahil sa paglabag sa Minimum Public Health Standards (MPHS) gaya ng hindi tama ang pagsuot ng face mask, face shield, mass gathering, at hindi pagsunod sa social/physical distancing at paglabag sa RA 11332 otherwise known as the “Law on Reporting of Communicable Diseases”) habang 40,705 violators
hinuli dahil sa paglabag sa uniform curfew hours.
Samantala, nasa kabuuang 8,312 indibidwal ang hinuli dahil nagpanggap na mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na walang ipinakitang pruweba o katibayan.
Binigyang-diin ni Eleazar, batay sa kanilang datos nasa 9,998 ECQ violators ang nahuhuli ng PNP sa bawat sa loob ng dalawang linggo.
Samantala, nasa kabuuang 690,320 violators ang naitala ng PNP sa buong bansa kung saan 548,048 violators nationwide ang binalaan, 91,683 pinagmulta, habang 50,589 violators ang pinagawan ng Community Service.
Ngayong nasa MECQ status ang Metro Manila, pina-alalahanan naman ni PNP Chief ang publiko na maging maingat at striktong sundin pa rin ang health and safety protocols lalo at mataas pa rin ang banta ng Delta variant ng Covi-19.
“Sa lahat ng panahon at oras, makakaasa ang ating mga minamahal na kababayan na ang buong puwersa ng Philippine National Police ay narito upang gampanan ang aming tungkulin. We strongly encourage everyone to remain mindful of minimum public health standards because the PNP will always be on our toes to strictly implement the law against violations, as well as enforcement of rules on mass gathering, social distancing, and travel restriction across lockdown cities and provinces”, pahayag ni Gen Eleazar.