-- Advertisements --
cropped DICT 1 1

Halos 11,000 na umanong free WiFi sites ang naka-install sa buong bansa.

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II kabuuang 10,996 free WiFi sites na ang naikabit sa buong bansa.

Ang installation ng mga WIFI sites ay sa ilalim pa rin ng Free WiFi for All program ng DICT.

“Meron na rin tayo ngayong 10,996 free WiFi sites na nakakabit sa buong bansa, that’s our tally as of now [We already have 10,996 free WiFi sites that have been installed nationwide),” ani Honasa.

Ayon kay Honasan, ang programa ay mayroon 500 percent boost noong 2020.

Aniya, mula sa average na 800 sites noong 2016 hanggang 2019 ay nadagdagan ito ng 4,305 noong nakaraang taon.

Una nang sinabi ng DICT na kailangan ng pamahalaan ng dalawa pang taon para makapag-provide ng free Wi-Fi connections sa 43,000 na barangay at elementary schools sa buong bansa.

Noong August 2017, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Free Internet Access in Public Places Act.

Layon nitong makapagbigay ng libreng internet access sa public spaces sa buong kapuluan.

Noong January 2018, sinabi ni DICT na plano nilang maglagay ng 250,000 Wi-Fi access points sa bansa bago ang taong 2022 kapag natapos na ang termino ng Pangulong Duterte.