-- Advertisements --
Halos 100 recruitment agencies at kompaniya para sa Pinoy workers patungong Saudi Arabia ang pinatawan ng suspensyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Attaché Fidel Macauyag, nasa 39 na recruitment agencies, 18 kompaniya at 40 employers ang hindi muna maaring makapag-recruit ng mga mangagawa dahil sa mga natuklasang paglabag.
Sinabi ni Macauyag na bahagi ito ng kanilang kampanya na tiyakin ang kaligtasan ng mga OFW.
Posible pa umanong madagdagan ito dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng kanilang tanggapan.