Kinumpirma ni National Capital Region Police (NCRPO) chief Maj.Gen. Guillermo Eleazar na pumalo na sa halos 100 indibidwal ang naaresto ng pulisya dahil sa pagkakasangkot sa vote buying and selling.
Sinabi ni Eleazar nahuli ang mga suspeks sa ikinasang operasyon ng Task Force Kontra Bigay na pinangunahan ng Commission on Elections (Comelec) kasama ang PNP at AFP.
Kinumpirma ni Eleazar na simula nuong Biyernes, ang binuong task force ay naglunsad ng operasyon sa apat na lugar ito ay sa Manila, Malabon City, Muntinlupa City, Quezon City at Makati City.
Ang may pinaka maraming nahuli ang PNP na namimili ng boto ay sa Makati kagabi kung saan nasa 60 na mga indibidwal, isa sa Malabon, 17 sa Muntinlupa at 26 sa Quezon City.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code ang mga nahuling indibidwal.
Tiniyak naman ni Eleazar na ang mga nahuhuli nilang sangkot sa vote buying and selling ay kanilang ipapasa sa Comelec.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, vote buying and vote selling ay itinuturing na election offenses at punishable by imprisonment of not less than one year but not more than six years.