Ipinagbawal na ng local executive at ng executive judge ng Davao City Regional Trial Court (RTC) ang pagpasok o pagamit ng justice hall ng lungsod kasunod na rin ng pagtama ng malakas na lindol sa Davao Del Sur.
Ayon kay Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra, ipinaabot na sa kanya ang naturang direktiba ng local executive at ng executive judge ng hukuman sa lungsod ng Davao.
Paliwanag ng kalihim kailangan daw munang masuri ang kalagayan ng justice hall ng mga eksperto upang masiguro kung ligtas pa itong gamitin dahil na rin sa 6.9 magnitude na lindol na tumama sa lugar.
Hanggang sa kasalukuyan ay inaantabayan naman ni DOJ Sec. Guevarra ang report naman mula sa PNP ng Davao City kaugnay sa mga maaring pinsala naman sa prosecutors offices sa lugar.
Batay sa pagtaya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology Phivolcs (Phivolcs) dakong alas-21:00 ng hapon kahapon nang maramdamsn ang lindol na ang epicenter ay siyam na kilometro kanluran ng Matanao.
Nasa anim na kilometro ito sa kanluran ng Padada Davao del Sur.