-- Advertisements --

Nakapaghatid na ang pamahalaan ng mahigit P12 million na halaga ng tulong sa mga biktima ng nangyaring Mag. 6.8 na lindol sa bahagi ng Mindanao.

Batay sa datus ng Department of Social Welfare and Development(DSWD), kabuuang P12,529,794.44 na halaga ng mga tulong ang naibigay na sa mga biktima.

Kinabibilangan ito ng mga pagkain o mga food packs, cash, at mga non-food items.

Patuloy naman ang paghahatid ng ahensiya ng mga tulong sa mga biktima, habang tuloy-tuloy pa rin ang assesment sa kabuuang pinsala sa naturang lindol.

Umabot na rin sa 73 Brgys ang natukoy na apektado ng nangyaring pagyanig na karamihan ay mula sa Davao Region at SOCCKSARGEN

Kahapon, iniulat ng National Disaster Risk Reduction Council(NDRRMC) na umabot na sa 191 ang bilang ng mga bahay na labis na napinsala habang humigit kumulang 1,500 na kabahayan ang natukoy na partially damaged.

Nobiembre-17 nang magyari ang 6.8 na pagyanig sa Mindanao, na kumitil sa buhay ng siyam na indibidwal.