Umabot na sa P35Million ang halaga ng tulong na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng matinding ulan at pagbaha dulot ng magkakasunod na kalamidad.
Batay sa datus ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, ang naturang halaga ay ibinigay sa mga biktima sa pamamagitan ng family food packs at non-food items
Nakahanda naman ang P1.8billion na halaga ng tulong para sa mga biktima ng kasalukuyang kalamidad hanggang sa mga susunod na buwan.
Binubuo ito ng P1.7billion na halaga ng food packs at P106million na standby fund.
Samantala, umabot na sa 636,000 na indibidwal ang apektado sa mga pag-ulan at pagbaha mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Western at Central Visayas, at Davao Region.
Umabot na rin sa 277 na kabahayan ang naitalang totally damaged habang 3,211 ang partially damaged.
Ang mga ito ay naitala sa walong rehiyon sa bansa.