-- Advertisements --

Umabot na sa P355.63 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa Northern Luzon dahil sa bagyong Neneng.

Sa initial assessment, iniulat ng Department of Agriculture (DA) na apektado ang nasa 15,850 ektarya ng agricultural lands sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, at Cagayan Valley.

Napinsala ang nasa 25,297 metric tons ng mga pananim. Kabilang sa mga nasirang commodities ang bigas, mais at high value crops.

Nasa halos 12,000 magsasaka naman ang apektado.

Ayon sa DA, ang naturang halaga ng pinsala ay subject pa rin sa validation.

Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang DA sa concerned national govenrment agencies , LGUs at iba pang disaster risk reduction and management related offices para ma-assesst ang epekto ng bagyo gayundin para sa available resources na gagamitin para sa interventions at assistance.

Tiniyak naman ng ahensiya na may available na ipapamahaging tulong para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda gaya ng rice, corn at vegetable seeds, drugs at biologics para sa livestock at poultry, Fingerlings at assistance para sa affected fisherfolk mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mayroon ding Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na may loanable amount ng hanggang P25,000 na maaring bayaran sa loob ng tatlong taon nang walang interest at mayroon ding nakahandang Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitation ng apektadong mga lugar.