Sumampa na sa P155.21 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng shear line at Low Pressure Area.
Iniulat ng Department of Agriculture – Regional Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) 6,569 magsasaka na ang apektado dahil sa epekto ng masamang lagay ng panahon sa Western Visayas, Eastern Visayas at Bicol region.
Kabilang sa mga apektadong commodities ay ang rice, corn, high-value crops, at livestock na may production loss na 5,307 metrikong tonelada na may lawak na 7,496 ektarya ng sakahan.
Para naman matulungan ang mga apektadong magsasaka, patuloy ang pagmonitor ng regional field offices ng Department of Agriculture sa sitwasyon at nakikipag-ugnayan na sa mga lokal na pamahalaan para mamahagi ng mga resources na kailangan ng mga naapektuhang magsasaka.