-- Advertisements --

Pumalo na sa P1.19 billion ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura dulot ng baha at landslide dahil sa mga pag-ulan sa Davao at Caraga region ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Bunsod nito, apektado ang 216 pasilidad habang napinsala naman ang 1,762 kabahayan.

Iniulat din ng ahensiya na mahigit 1.56 million kata sa Mindanao ang naapektuhan ng mga baha at mga pagguho ng lupa kung saan mahigit 200,000 indibidwal ang na-displace mula sa kanilang mga tirahan.

Sa pinakahuling datos mula sa pamahalaang panlalawigan n Davao de Oro, nasa 98 labi na ang narekober kasunod ng malawakang landslide na tumama sa Barangay Masara, isang gold-mining village sa bayan ng Maco habang 8 pang indibdiwal ang kasalukuyang pinaghahanap.

Top