-- Advertisements --

Pumalo na sa P263 million ang halaga ng pinsala at nawala sa agri-infrastructure dahil sa nagdaang magnitude 7 na lindol na tumama sa Northern Luzon ayon sa Department of Agriculture.

Naitala ang mga pinsalang ito sa naturang sektor sa mga irrigation systems, farm to market roads at farm structures sa Cordillera Administrative Region at Ilocos Region.

Iniulat din ng DA na walang mga pananim ang napinsala sa kasalukuyan.

Base sa datos pa ng kagawaran, nakapagtala ang regional field office nito sa CAR ng bahagyang pinsala sa 39 irrigation systems at 5 farm to market roads kung kayat hindi ito operational sa ngayon bunsod na rin ng pagguho at bitak sa mga konkretong struktura na kailangan ng clearing at repair para maibalik ito sa operational status.

Batay naman sa naging assessment ng National Irrigation Administration (NIA) mayroong 2 national irrigation systems at 24 communal irrigation systems sa CAR habang nasa 4 na national irrigation system at 24 na city irrigation systems ang napinsala sa Region 1.

Wala namang naobserbahang sira sa Pantabangan at Magat dam base sa initial assessment.

Samantala, wala namang napaulat na iregularidad o pagbabago sa presyo ng mga agricultural commodities lalo na sa mga produktong gulay.

Inihayag din ng DA na magbibigay sila ng assisstance para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda kabilang dito ang pamamahagi ng mahigit 120,000 bags ng rice seeds, mahigit 20,000 bags ng corn seeds at assorted na vegetable seeds sa CAR , region 1, 2 at 3, survival and recovery program, p100 million ng quick response fund para sa rehabilitation ng mga apektadong lugar at iba pa.

Top