-- Advertisements --

Pumanaw na ang Original Pilipino Music (OPM) veteran na si Hajji Alejandro, sa edad na 70, kilala sa kanyang kantang “Kay Ganda ng Ating Musika.”

Kinumpirma ito ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng isang pahayag, kung saan humiling sila ng privacy habang nagluluksa.

‘It is with deep sorrow that we announce the passing of our beloved Dad and Son, Angelito ‘Hajjii’ Alejandro,’ ayon sa isang official statement ng pamilya.

‘At this time, we kindly ask for privacy as our family grieves this tremendous loss. We appreciate your understanding and support during this difficult time.’

‘To God be the glory,’ dagdag nito sa isang post.

Naiulat na si Alejandro ay 70 taong gulang at matagal nang lumalaban sa stage 4 colon cancer na kumalat na sa kanyang baga at atay. Noong Disyembre 26, 2024, ay ipinagdiwang pa niya ang kanyang kaarawan kasama ang mga mahal sa buhay.

Tinaguriang “Kilabot ng mga Kolehiyala,” ang singer na nagsimula sa industriya bilang miyembro ng Circus Band, na pinagmulan din ng ilang OPM legends gaya nina Basil Valdez at Tillie Moreno.

Iniwan ni Alejandro ang kanyang mga anak na sina Rachel, Barni, at Ali Alejandro habang patuloy na aalalahanin si Hajji bilang isa sa mga haligi ng OPM.