-- Advertisements --

Napakapagnakaw ng nasa $1.7 billion ang mga hacker na suportado ng North Korea sa taong 2022.

Base ito sa blockchain analysis firm na Chainalysis.

Ang nasabing halaga ay tumaas ng halos apat na beses kumpara sa nakaraang record ng bansa na umabot sa $429 million dollars ang kanilang nanakaw noong 2021.

Sinabi ng mga eksperto na ang bansa, na nahaharap sa mabibigat na parusa, ay bumaling sa crypto theft upang pondohan ang nuclear arsenal nito.

Ang North Korea ay nagsagawa ng anim na nuclear test at inaasahan ng mga analyst ang ikapito sa taong ito, habang pinabilis ng bansa ang nuclear weapons programme nito sa ilalim ng kanilang leader na si Kim Jong-un.

Noong nakaraang taon, naglunsad ang Pyongyang ng record number ng ballistic at iba pang missiles.

Ito ay sa kabila ng nahihirapang ekonomiya ng bansa.

Ang mga hacker na ito ay karaniwang gumagawa ng crypto sa pamamagitan ng “mga mixer”, na pinagsasama-sama ang mga cryptocurrencies mula sa iba’t ibang mga gumagamit upang maging malabo ang mga origin ng mga pondo.

Sinabi rin ng iba pang mga eksperto na ninakaw ng North Korea ang crypto sa pamamagitan ng mga broker sa China at non-fungible token (NFTs).

Kung maalala, noong nakaraang buwan, kinumpirma ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na ang Lazarus Group na nauugnay sa North Korea ay responsable para sa isang $100 million crypto heist sa isang blockchain network na tinatawag na Horizon bridge noong nakaraang taon.