Opisyal nang idineklara ng state weather bureau ang pagsisimula ng Habagat o southwest monsoon season sa bansa.
Sa abisong inilabas, sinabi ng weather bureau na ang patuloy na pag-iral ng low-level southwesterly winds at Frontal System sa ilang bahagi ng bansa, kasabay ng paghina ng easterlies, ang naging batayan ng deklarasyon.
Inaasahang makakaranas ng madalas na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang kanlurang bahagi ng bansa, habang posible rin ang mga panahon ng “monsoon breaks” o panandaliang pagtigil ng ulan.
Bumalik na ang Southwesterly Windflow sa ilang bahagi ng Pilipinas, hudyat ng unang yugto ng Habagat.
Nagbabala naman ang state weather bureau sa publiko at mga kinauukulang ahensiya na maging handa sa mga posibleng epekto ng Habagat gaya ng pagbaha at landslide. Posible rin ang opisyal na pagsisimula ng tag-ulan sa loob ng susunod na dalawang linggo. (Report by Bombo Jai)