-- Advertisements --

Nagbabala ang PAGASA sa malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa umiiral na Southwest Monsoon o Habagat.

Sa 8:00 p.m weather update ng PAGASA posibleng makaranas ng malakas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa kabilang ang Benguet, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

Inaasahan ding makakaranas ng mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms ang nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas

Asahan naman ang mainit at maalinsangang panahon sa ilang lugar sa Mindanao.

Samantala, isang low pressure area ang patuloy na mino-monitor sa loob ng Philippine Area of Responsibility na namataan sa layong 865km East of Extreme Northern Luzon.

papangalanan ang low pressure area kapag ito ay naging isang bagyo at tatawaging Pilandok, ito na ang ika-5 bagyo ngayong buwan ng Agosto at ika-16 na bagyo naman ngayong taoan.

Ayon sa PAGASA, may medium chance na maging isang tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.