
Natukoy na ang pagkakakilanlan ng suspek sa likod ng nangyaring mass shooting sa Vallet Transportation Authority (VTA) rail yard sa San Jose, California.
Kinilala ng mga law enforcement officials ang suspek na si Sam Cassidy, 57, na empleyado rin ng VTA.
Aabot sa siyam kabilang na ang gunman sa mga nasawi sa VTA attack na itinuturing na ika-18 mass shooting incident na nangyari sa California ngayong taon.
Ayon kay Santa Clara County Sheriff Laurie Smith na hindi pa matukoy kung paano namatay ang gunman at motibo na na ayon sa ilang sources ay armado umano ng iba’t ibang armas.
Bago ang insidente ng pamamaril, nakuhanan pa sa isang surveillance video ang suspek na papaalis ng kaniyang bahay sa Angmar Court na sinasabing sinunog ng suspek bago magtungo sa work site.
Base sa payroll records ni Cassidy, nahaharap ang gunman sa dalawang family law cases na domestic violence at divorce.
Samantal lumutang naman ang dating girlfriend at sinabing dati na ring kinasuhan ang suspek ng rape at sexual abuse o may kinalaman sa domestic violence.

Paiba-iba rin aniya ang ugali nito at nagsabi na rin daw dati na “gusto niyang pumatay ng tao.”
Sa White House, labis na ikinalungkot ni US President Joe Biden ang panibagong na namang mass shooting sa kanilang bansa na dati na niyang binansagang pandemic din.
Iniutos niya ang paglalagay sa half mast ng watawat sa White House at iba pang mga mga government buildings bilang pagluluksa.
Pansamantala namang itinigil muna ang light rail service ng VTA matapos ang malagim na insidente.










