-- Advertisements --

Umakyat na sa 2,035 ngayong araw mula sa 2,003 kahapon, ang mga naaresto dahil sa paglabag sa Comelec gun ban.

Naaresto ang mga ito sa 1,921 checkpoint operations na isinagawa ng PNP mula Enero 9 hanggang sa kasalukuyan.

Base sa tala ng PNP Command Center, karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasa 1,935; habang 37 ang security personnel, 14 ang miymebro ng PNP, 9 ang tauhan ng AFP, at 20 ang iba pa.

Nangunguna sa bilang ng mga naaresto ang NCR na nasa 743; kasunod ang Region 4A na nasa 223; Region 7 na nasa 208; Region 3 na nasa 196; at Region 6 na nasa 115.

Nakumpiska ng PNP sa mga ito ang 1,559 firearms na karamihan ay small arms; 736 deadly weapon kabilang ang 82 pampasabog; at mahigit 8,600 bala.