-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections hanggang Nobiyembre 29 ng kasalukuyang taon.
Ito ay kasunod ng inilabas ng poll body na revised calendar of activities para sa October 30 elections na nagtatakda sa petsa ng gun ban mula Agosto 28 hanggang Nobiyembre 29.
Una ng itinakda ang gun ban mula August 28 hanggang November 14.
Gayundin ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) ay inilipat sa Agosto mula Hulyo matapos na umapela si Senator Francis Tolentino para pagpapaliban nito sa Hulyo upang hindi mabigatan ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang admisnitrative expenses at maiwasan ang karahasan.