Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Temporaryong nabuksan sa mga motorista ang gumuhong kalsada sa Mogao Section sa Barangay Gambang, Bakun, Benguet.

Ayon kay Alvin Comila mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Bakun, ito ay upang magamit ng mga residente ang kalsada matapos itong gumuho.

Nagpasalamat ito sa pakikipagtulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan para mabuksan ang kalsada na ginagamit ng maraming residente.

Gayunpaman, sinabi ni Comila na mga magagaan lamang na sasakyan ang pinahihintulutang gumamit sa kalsada.