Kasalukuyan nang binabalangkas ngayon ng Department of Foreign Affairs ang mga ipapatupad na guidelines para sa pagsasagawa ng Joint Patrol Efforts sa West Philippine Sea.
Ito ay matapos na magpahayag ng suporta sa maritime security ng ating bansa ang iba’t-ibang kaalyadong bansa ng Pilipinas kabilang na ang Japan, Australia, at Estados Unidos.
Kasunod ng mga pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard at mga mangingisdang Pilipino sa Ayungin Shoal na bahagi ng West Philippine Sea na bahagi ng Exclusice Economic Zone ng ating bansa.
Ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza, ang binubuong guidelines ngayon ng kanilang ahensya ay para sa planong pagsasagawa ng joint patrol ng Pilipinas katuwang ang ibang bansa sa West Philippines Sea na kapwa isinusulong ang peace and stability sa Indo-Pacific Region.