-- Advertisements --

Nagpaalala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko hinggil sa pagpapadala ng mga balikbayan boxes sa bansa kasunod na rin ng papalapit na kapaskuhan.

Ayon sa ahensya, maaaring ipadala ang mga ito sa pamamagitan ng mga corporations, partnerships at sole proprietors ngunit tanging mga qualified Filipinos while abroad (QFWA) lamang ang maaaring makapag-avail ng duty at tax-free privilege alinsunod na rinsa Section 800 ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act 2016 (CMTA).

Nakasaad din sa naturang batas na ang pagpapadala ng balikbayan boxes ng QFWA sa kanilang mga kaanak ay maaari ring ma-exemot mula sa pagbabayad ng duties at taxes ng hanggang tatlong beses. Hindi naman dapat sumobra ng P150,000 kada taon ang halaga ng total freight on board (FOB) o free carrier arrangement (FCA).

Kabilang sa maituturing na QFWA ay mga overseas Filipino workers (OFWs) na may valid passpost mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), na sinertipikahan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Kasama na rin dito ang mga Pinoy na mayroong job contracts na hindi kailangan ng certification mula sa mga nabanggit na ahensya. Non-resident Filipinos na may permanent resideny sa iabng bansa ngunit mas pinili na panatilihin ang pagiging Pilipino sa kanilang citizenship.

Maging ang mga resident Filipino citizens na mayroong student visa, investors’ visa, tourist visa at kahit anong uri ng visa na magpapatunay na legal ang kanilang pananatili sa ibang bansa.

Bawat sender ay dapat mag-submit ng information sheet, photocopy ng bigraphical page ng kanilang passport o identification cards (IDs) na magpapatunay na kanilang citizenship.