-- Advertisements --

CEBU – Ikinatuwa ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force at Department of Interior and Local Government (DILG) ang motorcycle backriding.

Ayon kay Garcia, dati pa ito gusto ng publiko dahil kalimitan sa mga Sugbuanon ay gumagamit ng motorsiklo bilang isa sa paraan ng transportasyon.

Sa ngayon hinihintay na lang ng Cebu Province ang guidelines lalo na nasa ilalim ng modified general community quarantine ang lalawigan.

Kung maaalala, naglabas ng Executive Order ang gobernadora hinggil sa pagpapabalik sa motorcycle backriding ngunit pinabawi ng DILG.

Hindi pinakinggan ng opisyal ang payo ngunit tumalima ito nang si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nag-utos na huwag pa rin pahintulutan ang motorcycle backriding.