-- Advertisements --
image 149

Halos isang buwan na lamang bago ang tradisyunal at taunang pagdaraos ng Simbang gabi kasabay ng pagdiriwang ng kapaskuhan sa bansa, maagang naglabas ang Archdiocese of Manila ng guidelines.

Ang naturang circular ay nilagdaan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula base sa rekomendasyon ng Archdiocesan Liturgical Commission na naka-address sa lahat ng mga miyembro ng clergy ng archdiocese.

Base sa guidelines, magsisimula ang misa para sa Simbang gabi sa oras na alas-7 ng gabi para sa anticipated evening masses habang para sa madaling araw o morning masses ay magsisismula sa oras na 5:30 am.

Inatasan naman ng Manila archdiocese ang mga chapel, mga opisina at iba pang mga lugar na nais na magsagawa ng mga misa para sa Simbang gabi na humiling nga permiso mula sa archdiocese.

Naglabas din ng guidelines ang Archdiocese of Manila sa pagdiriwang ng Christmas eve masses o misa sa bisperas ng Pasko.

Nakasaad na ang Vigil Mass ng Pasko ay maaaring idaos mula alas-6 ng gabi.

Dahil sa natapat sa araw ng Linggo ang December 24 o bisperas ng Pasko, sinabi ng achdiocese na ang dawn mass ay ang Simbang gabi , ang ibang mga misa sa umaga hanggang hapon ay misa para sa Fourth Sunday of Advent habang ang misa naman mula alas-6 ng gabi ay ang Vigil Mass ng Pasko at ang huling misa sa gabi ng Dec. 24 ay ang Midnight Mass of Christmas.

Hinikayat naman ni Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga parokyano na sama-samang manalangin bilang magkakapamiya upang maipagdiwang ang panahon ng adbiyento at kapaskuhan sa pamamagitan ng makabuluhang pakikipagtagpo sa Diyos.