-- Advertisements --
gsis

Pinag-aaralan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang posibilidad ng pamumuhunan sa agricultural mechanization.

Ito ay kasunod ng pulong na naganap sa pagitan nina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian at GSIS President and General Manager Wick Veloso

Ayon kay Veloso, maaaring maglaan ng malaking pondo ang State-owned financial institution upang ipohonan sa mga farming tools, farming machineries, at iba pang kagamitan sa pagsasaka.

Bahagi ng kanilang konsiderasyon aniya ay ang presyo ng mga nasabing makinarya, kalidad, environment-friendly, at ang pagiging akma ng mga ito sa lokal na kundisyon ng mga sakahan sa bansa kung saan nakatakdang gamitin ang mga ito.

Umaasa rin ang opisyal na bahagi ito ng kanilang tulong upan mapalakas ang produksyon ng pagkain sa buong bansa.