-- Advertisements --

Handa ang Government Service Insurance System (GSIS) na sumunod sa pamahalaan sakaling ituloy nito ang pagsasabatas rightsizing sa mga ahensya ng gobyerno.

Ito ang komento ni GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso matapos na ihayag ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kasama sa kaniyang top priority bills ang rightsizing sa government bureaucracy.

Ayon kay Veloso, kung sa tingin ng pamahalaan ay makakatulong para sa bansa ang rightsizing sa mga ahensya nito ay handa silang tanggapin ito at ipatupad ang implementasyon nito sa kanilang kagawaran.

Ngunit pag-amin niya, talagang mahihirapan sila rito dahil sa oras aniya na ipatupad ito ay lubha raw na maaapektuhan ang kanilang operasyon dahil mababawasan ang kanilang kontribusyon at hahaba naman ang kanilang pamamahagi ng benepisyo.

Matatandaan na una nang inilarawan ng PBBM ang kaniyang planong rightsizing bilang isang mekanismo ng reporma na naglalayong pahusayin pa ang institutional capacity ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga mandato nito para sa mas mahusay na pagseserbisyo, kasabay ng pagtiyak ng optimal at efficient use ng kanilang resources.