-- Advertisements --
bigas rice palengke

Nakahanda ang grupo ng mga trader na makipagtulungan sa pamahalaan sa pagpapatupad ng price ceiling sa bigas sa bansa.

Ayon sa Presidential Communication Office (PCO), sinabi ni Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) lead convenor Rowena Sadicon na makikipagtulungan ang grupo sa pamahalaan sa pagbibigay ng abot-kaya at de kalidad na bigas para sa mga mamimili.

Ito ay kasunod na rin ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa price cap ng bigas sa bansa na nagtatakda sa P41 kada kilo na presyo para sa regular milled habang P45 kada kilo namang price cppara sa well-milled rice.

Ang hakbang na ito ay nag-ugat mula sa pagsipa ng presyo ng bigas sa mga lokal na merkado kung saan ang kasalukuyang presyo ng bigas kada kilo ay pumapalo sa P45 hanggang P70.

Magiging epektibo ang naturang kautusan sa araw ng Martes, Setyembre 5.